Si Billy Pabili

Si Billy Pabili

mula sa maikling kwento ni JAMES IAN R. RAMOS

                        Isang araw sa isang nayon na nagngangalang Barangay Pamili may isang batang lalaki na nagngangalang Billy na laging nagpapabili sa kanyang nanay at tatay ng kahit anumang magustuhan nito.  Kapag si nanay ay pupuntang palengke upang magtinda ng isda agad siyang nagmamadaling bumangon para sabihin sa kanyang nanay na, “Nay, gusto ko po ng laruang kabayo pag pumunta po kayong palengke bili nyo po ako.” Sabi ng batang si Billy. Kahit walang pera ang kanyang nanay agad naman itong ibibili para hindi magtampo ang nag-iisang anak. At bago umalis ang kanyang tatay para mamasada ng kanyang sasakyang dyip agad namang iiwanan ni Billy ang kanyang mga laruan para habulin ang kanyang tatay para sabihing, “Tatay, pagdumaan ka sa pagawaan ng sapatos ibili mo po ako ng itim na sapatos kasi po luma na ang pamasok kong sapatos.” Kahit mahirap ang buhay at mahina ang pasada ng kanyang tatay ibibili naman nito si Billy ng kanyang gustong sapatos para hindi ito umiyak ng umiyak pagbalik nito sa bahay. Tuwang tuwa naman si Billy sa bago niyang laruang kabayo at bagong biling sapatos. ‘Excited na kong pumasok sa paaralan bukas para ipagmalaki ang bago kong laruan at ipakita sa mga kaklase ko ang bago kong sapatos.

          Habang kumakain ang mag-anak sa hapagkainan katabi ni Billy ang kanyang bagong laruan at sapatos at nagwika, “Nanay, Tatay salamat po sa bigay niyo sakin huh, di nyo po nakalimutan.” “Basta anak, mag-aral kang mabuti para ikaw ang mag-aahon sa amin ng iyong ina sa kahirapan” sabi ni Tatay. “Oo nga anak at tsaka kailangan nating magtipid din kasi konti nalang ang aming ipon ng iyong tatay para sa pang araw-araw nating pangangailangan malapit na kasi ang tag-ulan.” Sabi ni nanay. “Opo nanay, tatay.” sambit naman ni Billy. Habang kumakain naalala ni Billy na malapit na ang kanyang kaarawan. “Nanay, Tatay malapit na nga po pala ang kaarawan ko diba po sabi nyo sa ikapitong taong kaarawan ko ipapasyal niyo po ako sa Mall.” Nagkatinginan sila nanay at tatay sa sinabi ko. “Sige anak, sa isang buwan pa naman ang iyong kaarawan at mapag-iipunan pa namin ng iyong nanay.” sabi ni tatay. “Basta nak, pagpumunta tayo sa Mall wag kang masyadong magpapabili huh kakain lang tayo sa Jollibee.” sabi ni nanay. “Yehey! Mukhang masaya ang kaarawan ko.”

          Sumapit na ang kaarawan ni Billy. Habang sila ay nasa Mall manghang mangha naman si Billy sa kanyang nakikita, “Wow, ang gaganda naman po ng mga laruan.” Lumapit si Billy sa mga laruan at hinawakan ang mga ito. “Pwede niyo po ba itong ibili para sa akin.” “Pero anak nag-iipon tayo ng pera ngayon.” sabi ni nanay. “Sige na po birthday ko naman po ngayon please bili nyo po ako nitong robot.” “Basta Billy tama na yang laruan mo na yan at wag ka ng magpapabili, alam mo naman na tag-ulan na ngayon at sapat lang ang pera natin para sa buwan na ito.” sabi ni tatay. “Opo tatay.” sabi ni Billy. Masayang masaya si Billy dahil sa bago niyang laruan at habang naglalakad patungong Jollibee nadaanan ng mag-anak ang bilihan ng mga bisikleta. “Wow, ang ganda naman ng mga bisikleta, makukulay at may mga ribbon pa, punta po tayo doon.” Pag-aaya ni Billy. “Anak, wag na tanghalian na at malilipasan ka.” Sabi ni Tatay. “Hindi pa naman po ako nagugutom mamaya na po tayo kumain.” “Billy, wag makulit kumain na tayo.” Sabi ni nanay. Pero nagpumilit pa rin si Billy na mapuntahan ang bilihan ng mga bisikleta. “Ang ganda ng bisikleta at umiilaw pa.” sabi ni Billy. “Nanay, Tatay pwede niyo po bang bilin ang bisikletang ito para sa akin, please.” “Anak, mahal yan at wala na tayong pera.” Sabi ni nanay. “Oo nga anak may pinaglalaanan pa kami ng iyong ina para sa pera natin.” Sabi ni tatay. Malungkot na umalis sila Billy sa tindahan ng mga bisikleta hanggang sa makarating sila sa Jollibee. Umorder na si tatay ng aming kakainin pero wala pa ring sigla si Billy. “Billy kumain ka na at lalamig pa ang inorder natin.” Sabi ni nanay. Hindi nagsasalita si Billy at mukhang ayaw kumain. “Bahala ka anak baka sumakit ang tiyan mo at magkasakit ka pag di mo pa kinain yan, tingnan mo ang ulam mo ang paborito mong fried chicken at may french fries pa.” sabi ni tatay. “Ayaw ko pong kumain, gusto ko ng bisikleta.” “Pero anak, wala na tayong pera diba’t alam mo naman na tag-ulan na ngayon.” Sabi ni tatay. “Pero gusto ko po talaga ng bisikleta.” “Anak, kabibili lang namin sayo ng laruang robot na gusto mo.” Sabi ni tatay. “Eh, gusto ko ng bisikleta hindi ako kakain pag hindi nyo ko binili ng bisikleta.” Walang nagawa ang mag-asawa kundi ibili si Billy ng bisikleta para kumain lang ito at maging masaya. Nang mabili na si Billy ng bisikleta agad na silang lumabas ng Mall pero paglabas nila ay umuulan ng malakas at iisang payong lang ang dala nila. “Naku paano yan umuulan, paano poi tong bisikleta ko baka kalawangin po agad pag naulanan.” “O sige anak, heto ang payong at gamitin mo. Ok lang kami ng tatay mong maulanan malapit na naman tayo sa bahay.” Sabi ni nanay.

          Pag-uwing bahay basang basa si nanay at tatay habang si Billy naman ay naglalaro ng kanyang bisikleta. “Ang lakas ng ulan mukhang simula na ng tag-ulan.” Sabi ni tatay habang nagpapalit ng damit. “Oo nga at konti nalang ang natira nating ipon para sa buwang ito.” Sabi ni nanay. Mabilis na lumaki ang tubig sa labas ng bahay nila Billy at paglabas ng tatay niya nakita niyang nabaha ang kanyang sasakyang dyip na pamasada. “Naku ngayon pa nangyaring masiraan ako ng dyip kung kailan kailangang magkapera.” Sabi ni tatay. “Paano ngayon yan tag-ulan pa naman ngayon achu, achu, achu.” Sabi ni nanay habang inuubo. “Naku, mukhang magkakasakit ka ngayon, magpahinga ka na kwarto at uminom ng gamot.” Sabi ni tatay. “Wala ito, gagaling din itong ubong ito.” Sabi ni nanay. Habang naglalakad si nanay patungong kwarto para magpahinga at si Billy ay nakasakay sa kanyang bisikleta ang kanyang nanay ay biglang nahimatay. “Tatay! si nanay.”

           Nagkasakit si nanay habang si tatay naman ay hindi makapamasada ng dyip dahil sa nasiraan ito ng malubog ng baha. Hindi alam ni tatay kung ano ang gagawin dahil ang perang natira sa kanilang inipon ay nabili na ng gamot ni nanay. Nakita ko si tatay na hirap na hirap na sa paghahanap ng pera para sa pagpapagamot kay nanay pati ang kanyang dyip ay naibenta para lang may makain kami habang si nanay naman hindi parin maayos ang lagay siguro kaya siya nagkasakit dahil sa naulanan siya nang pumunta kaming Mall binigay niya sa akin ang payong niya para hindi masira ang bisikleta ko at ang dyip ni tatay ay nabenta dahil naubos na ang naipon nilang pera para sa tag-ulan dahil sa mga pinabili ko. Ano kaya ang matutulong ko kay nanay at tatay para hindi na sila mamroblema sa mga gastusin? Naisipan ni Billy na ibenta ang mga laruang pinabili niya, ang mga luma niyang laruan, laruang kabayo, robot at maging ang kanyang bisikleta ay ibinenta niya para makatulong sa mga gastusin sa bahay at para sa mga gamot ni nanay.

          Masayang masaya si Billy ng makitang gumaling na ang kanyang nanay. Nakita niyang muli ang matatamis na ngiti ni nanay at ang sigla ni tatay ng makita silang magkasama habang nasa labas ng aming bakuran. Naunawaan ko na ngayon kung bakit nag-iipon si nanay at tatay. Natutunan ko na rin ngayon na kailangan ay hindi magpabili ng kung anu-ano lang para sa sarili ko dapat malaman ko rin ang halaga ng perang aking gagamitin. Natutunan ko rin na bumili lamang tayo ng mga kailangan hindi ang sarili nating kagustuhan. Masayang makita ang ating pamilyang buo at masigla kaysa sa mga bagay na panandalian lang ang saya na binibigay sa atin.

Ang Maikling Kwentong ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards

Saranggola 336x280

2dmci2dplionhearttvrotary

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s